29/01/2016
Zika Health Advisory. Please tag and share.
Mga Dapat Mong Malaman Upang Maiwasan ang Zika.
Ano ang Zika virus disease?
Ang Zika ay isang sakit mula sa Zika virus na nakukuha ng isang tao mula sa kagat ng lamok na Aedes.
Ano ang mga sintomas ng Zika?
Isa sa limang taong nagkakaroon ng Zika ang magkakasakit. Sa mga nagkasakit, hindi naman malala ang mga sintomas. Kaya madalas ay hindi alam ng isang tao na infected na pala siya ng Zika. Ang mga sintomas ng Zika ay lagnat, rashed, pananakit ng mga joints at conjuctivitis o mapupulang mata. Ang sakit na ito ay maaaring tumagal ng ilang araw hanggang isang linggo.
Paano nagkakasakit ng Zika?
Ang Zika ay nakukuha mula sa kagat ng lamok na Aedes. Ito ay maipapasa mula sa isang buntis na ina papunta sa kanyang anak habang buntis pa o kapag nanganak na.
Ano ang mga bansang apektado ng Zika?
Barbados, Bolivia, Brazil, Colombia, Dominican Republic, Ecuador, El Salvador, French Guiana, Guadeloupe, Guatemala, Guyana, Haiti, Honduras, Martinique, Mexico, Panama, Paraguay, Puerto Rico, Saint Martin, Suriname, U.S. Virgin Islands, Venezuela, Samoa at Cape Verde. Dati nang nagkaroon ng outbreak ng Zika sa Africa, Southeast Asia at Pacific Islands.
Sino ang delikadong maapektuhan ng Zika?
Kahit sino na nakatira sa mga lugar na nabanggit sa itaas ay maaaring magkaroon ng Zika lalo na ang mga buntis.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng Zika?
Wala pang bakuna para sa Zika. Ang ating magagawa ay iwasan ang pagdami ng mga lamok upang hindi tayo makagat at magkaroon ng ZIka. Protektahan ang iyong sarili at iyong pamilya. Narito ang mga paraan para maiwasan ang Zika:
1. Magsuot ng long-sleeved na mga damit at long pants.
2. Gumamit ng mga window at door screens sa bahat upang hindi makapa*ok ang mga lamok.
3. Gumamit ng mga Environmental Protection Agency (EPA)- registered insect repellent. Gamitin ng mabuti ang repellents ayon sa label instructions. Magpahid ng insect repellent kapag kailangan.
4. Kung mayroon kang anak na sanggol, huwag maglagay ng insect repellent sa mga sanggol na dalawang buwan pa lang o mas bata pa. Damitan ang mga bata ng mahahabang damit na matatakpan ang mga kamay at paa. Takpan o lagyan ng kulambo ang crib at stroller ng mga sanggol. Huwag maglagay ng insect repellent sa kamay, matas, bibig at bahaging may sugat ng mga sanggol.
5. Maaaring lagyan ng permethrin ang mga damit at gamit o bumili ng permethrin-treated na gamit. Huwag ipapahid ang permethrin sa iyong balat dahil para ito sa mga damit.
Laging gumamit ng kulambo kapag matutulog upang hindi makagat ng mga lamok.
Nagdudulot ba ito ng birth defects?
May mga reports na ang pagkakaroon ng Zika ng mga buntis ay nagdudulot ng microcephaly (kondisyon na maliit ang ulo) sa mga sanggol. Ang mga buntis ay pinapayuhan na huwag munang maglakbay sa mga bansang nabanggit na apektado ng Zika. Kung kailangan talagang pumunta sa mga bansang ito, kumonsulta sa inyong doktor upang malaman ang iyong dapat gawin para hindi magkaroon ng Zika.