27/02/2024
BASAHIN PONG MABUTI‼️
1. Ang Management po ng Minalungao National Park ay walang kinikita kahit piso mula sa turista dahil po ito ay free entrance. Sa katunayan po nagpagawa ng silungan at nagpadala ng tables and chairs ang ating ex mayor Ginto Bote para po magamit nyo ng LIBRE.
2. Ang anuman pong sinisingil sa ENVIRONMENTAL FEE ay wala pong nakukuha don ang Minalungao National Park dahil ito po ay sa MUNISIPYO napupunta. Pero alam naman po natin na lahat naman po talaga ng lugar pasyalan ay may ENVIRONMENTAL FEE. Kung talagang gumagala po kayo alam nyo po na bawat lugar ay may naniningil ng environmental fee.
3. Para po sa mga nag rereklamo tungkol sa KOLONG-KOLONG/TRICYCLE. Hindi na po kase allowed pumasok ang sasakyan sa mismong Park kaya po NAMAMASADA po ang mga taga Minalungao para po kahit papaano ay meron silang kitain. Dahil sila din naman po ang araw araw naglilinis ng Park. Kung baga po ay tulong nyo nalang din po sana sa mga taga Minalungao na apat na taon na nawalan ng hanap buhay dahil sa pagsasara ng Minalungao. Maari naman po kayong maglakad papasok pero medyo malayo po. Ang sinuman pong mamimilit sa inyo na sumakay ay maaari nyong ireport saamin.
4. Para po sa mga ayaw magbayad ng environmental fee at ayaw magbayad ng pamasahe pwede po kayo dito dumaan. Medyo mataas at medyo mahirap lang po ang daan pero kaya naman po. Eto po ang daan nyo.
Rio Chico Sitio Sibug to Minalungao
From Rio Chico Brgy Hall, 251-254 Gapan - Fort Magsaysay Rd, General Tinio, Nueva Ecija to General Tinio, Nueva Ecija via Pias Rd.
35 min (13 km)
For the best route in current traffic visit https://maps.app.goo.gl/c9fVfckj3UnoHj699
5. Natural po sa gumagala ang gastos kaya kung ayaw nyo pong gumastos kahit piso mag stay nalang po sa bahay. Maraming salamat po