Parañaque City Tourism Office

Parañaque City Tourism Office Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division • City Government of Parañaque

𝗟𝗢𝗢𝗞: Dumagsa ang mga deboto at mananampalataya sa idinaos na prusisyon para sa kapistahan ng kabanal-banalang puso ni H...
08/06/2024

𝗟𝗢𝗢𝗞: Dumagsa ang mga deboto at mananampalataya sa idinaos na prusisyon para sa kapistahan ng kabanal-banalang puso ni Hesus noong Biyernes ng gabi, June 7, 2024. Ito'y umikot sa pangunahing lansangan ng Barangay La Huerta, Don Galo at San Dionisio, lungsod ng Parañaque at nagsimula't nagtapos sa The Parañaque Cathedral. | 📷: Jeck Toledo /City Tourism Office.

𝗟𝗢𝗢𝗞: Banal na misa para sa 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐜𝐫𝐞𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐨𝐟 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 naganap sa pamahalaang lungsod ng Parañaque ngayong Biyer...
07/06/2024

𝗟𝗢𝗢𝗞: Banal na misa para sa 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐜𝐫𝐞𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐨𝐟 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 naganap sa pamahalaang lungsod ng Parañaque ngayong Biyernes ng umaga, June 7, 2024. Ang punong-tagapagdiwang ay si Fr. Mariel Santos OFM. Ang nag-organisa ng misa ay ang Parañaque City Tourism Office sa pamumuno nu City Tourism Chief Mr. Melquiades I. Alipo-on at City Government of Parañaque sa pangunguna ni City Mayor Eric L. Olivarez.

 , are you ready for a bigger stage? 👧🏻👦🏻✨It’s your ‘Little Stars’ time to shine because SM Little Stars is finally back...
07/06/2024

, are you ready for a bigger stage? 👧🏻👦🏻✨

It’s your ‘Little Stars’ time to shine because SM Little Stars is finally back!! 🎉✨Claim your spotlight now, and get a chance to win over ₱15 million worth of prizes!

The competition is open to kids ages 4-7 years old who want to showcase their talent and personality. Auditions at SM City Bicutan are on June 8 and June 22, 2024

Shine bright at . See you there! ⭐️⭐️⭐

LRT CAVITE EXTENSION, DR. ARCADIO SANTOS STATION. KASADO NA PARA SA PAGBUBUKAS SA HULING BAHAGI NG 2024. 🚋Pinasilip ng L...
07/06/2024

LRT CAVITE EXTENSION, DR. ARCADIO SANTOS STATION. KASADO NA PARA SA PAGBUBUKAS SA HULING BAHAGI NG 2024. 🚋

Pinasilip ng Light Rail Manila Corporation ang Dr. Arcadio Santos Station na matatagpuan sa Barangay San Dionisio, lungsod ng Parañaque ngayong Biyernes ng umaga, June 7, 2024. Dumalo naman ang mga opisyal ng Department of Finance Sec Ralph Recto, Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez, First District Congressman Edwin Olivarez, San Dionisio Barangay Captain Eva Olivarez, LRTA Atty. Hernando Cabrera, MMDA Rep. Romando Artes, Light Rail Manila Corp. Rep. Enrico Benipayo at iba pa.

Ang proyektong ito ng mayroong walong istasyon na magkokonekta mula Baclaran hanggang Cavite ng Light Rail Manila Corporation at inaasahan po na ito ay magiging operational ngayong taon. Lima rito ay matatagpuan sa lungsod ng Parañaque.

📷 | Mayor Eric L. Olivarez

No Mas Amor Que el Tuyo ❤️‍🔥Isang panunumbalik sa nakaraan ang muling paglipat sa monumento ng Sagrado Corazon sa harapa...
07/06/2024

No Mas Amor Que el Tuyo ❤️‍🔥

Isang panunumbalik sa nakaraan ang muling paglipat sa monumento ng Sagrado Corazon sa harapang bahagi ng Parañaque Cathedral noong 2022. Ang simbolismo nito ay si Hesus, banal manunubos na bukas palad sa mangagawa at sa Inang nakaluhod ay proteksyon sa laban sa masasamang tao. Sila'y nasa paanan ni Hesus.

Pinangunahan ni Cura Parroco Padre Van Runckelen, Mga estudyante ng Saint Andrew's School at pamilya Medina ang pagpapatayo ng monumento, Ang materyales ay mula sa Marmol. Ito'y likha ng iskultor na nagngangalang Ginoong Castillo. Pinasinayahan at binasbasan ang monumento noong Hunyo 28, 1930.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus: Maawa ka sa amin. 📿🙏🏻

Sanggunian:
Billy Malacura, Facebook: Public Posting, Retrieved; July 28, 2019

Maligayang kaarawan sa kauna-unahang obispo ng Diyosesis ng Parañaque, Lubhang kagalang-galang Jesse Mercado D.D.
06/06/2024

Maligayang kaarawan sa kauna-unahang obispo ng Diyosesis ng Parañaque, Lubhang kagalang-galang Jesse Mercado D.D.

KAPANGANAKAN NI OBISPO JESSE EUGENIO MERCADO, 1951

Noong Hunyo 6, 1951, isinilang sa Lungsod ng Kalookan si Jesse Eugenio Mercado. Siya ang kasalukuyang Obispo ng Romano Katolikong Diyosesis ng Parañaque, at Tagapangulo ng Episcopal Commission for Family and Life ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP ECFL).

Una siyang nag-aral sa St. Joseph Academy bago niya napagpasyahang pumasok sa Seminaryo ng San Jose, isang seminaryong diyosesano na pinapamahalaaan ng mga paring Heswita. Doon niya kinuha ang kanyang pagsasanay sa pilosopiya at teolohiya, na kanyang natapos noong 1977. Noong 1981, ipinadala siya sa Roma upang mag-aral sa Pontifical University of St. Thomas Aquinas (Angelicum) sa Roma, kung saan siya nagtapos ng Licentiate in Spiritual Theology noong 1984.

Inordinahan siyang pari para sa Arkidiyosesis ng Maynila noong Marso 19, 1977, at unang itinalaga bilang Parochial Vicar ng San Isidro Labrador Parish, Lungsod ng Pasay (1977). Makalipas ng ilang buwan, nagsimula naman ang kanyang mahabang karera bilang g**o at tagapagsanay ng mga seminarista: ipinadala siya sa Lungsod ng Baguio upang maging Spiritual Director (1977-1979) ng San Pablo Seminary, na noo'y tumatayong seminaryong pangrehiyon ng Cordillera at Hilagang Luzon. Nasundan ito ng kanyang pagbabalik sa Arkidiyosesis ng Maynila bilang Pinuno (1979-1981) ng Pre-College Department (ngayo'y Propadeutic Stage) ng San Carlos Seminary, Lungsod ng Makati. Matapos ang kanyang pag-aaral sa Roma ay bumalik siyang muli sa San Carlos bilang Propesor ng Teolohiya (1985-1988). Taong 1988 nang italaga siya ni Arsobispo Jaime Cardinal Sin bilang Rektor (1988-1994) ng Holy Apostles Senior Seminary, ang seminaryo ng Arkidiyosesis ng Maynila para sa mga propesyunal ("late vocations") na gustong maging pari. Sa mga panahong iyon rin siya naglingkod bilang Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on the Seminaries, sa ilalim ng noo'y Obispo ng Malaybalay na si Msgr. Gaudencio Rosales. Matapos nito ay bumalik siyang muli sa Roma para magsilbing Rektor (1994-1997) ng Pontifico Collegio Filipino, ang bahay-tuluyan ng mga Pilipinong pari na nag-aaral sa Vatican.

Noong Pebrero 25, 1997, itinalaga siya ni Papa (ngayo'y Santo) Juan Pablo II bilang Katulong na Obispo ng Maynila at Obispo Titular ng Talaptula. Inordinahan siyang Obispo ni Kardinal Sin noong Marso 31, 1997, katuwang ang mga Katulong na Obispo ng Maynila na sina Msgr. Teodoro Buhain at Msgr. Teodoro Bacani. Pinili niyang motto ang "Confirma Fratres Tuos" (pagtibayin ang inyong mga kapatid), na hango sa Lucas 22:32. Kaagad siyang itinalagang Katulong na Obispo para sa Ecclesiastical District of Pasay-Parañaque-Las Piñas-Muntinlupa (PPLM, kalauna'y Ecclesiastical District of Parañaque). Pinalitan niya sa nasabing posisyon si Obispo (kalauna'y Arsobispo) Rolando Tria Tirona, OCD na itinalagang Obispo ng Malolos. Dahil noong panahong iyon ay lubhang napakalaki ng nasasakupan ng Arkidiyosesis ng Maynila, naging katulong siya ni Kardinal Sin sa pamamahala ng mga parokya sa mga nasabing lungsod.

Taong 2002, sa bisa ng Apostolikong Konstitusyon na Ad Efficacius, inihiwalay ni Papa Juan Pablo II ang mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas, at Muntinlupa mula sa Arkidiyosesis ng Maynila at itinayo ang Diyosesis ng Parañaque. Itinalaga rin ng Santo Papa si Mercado bilang unang obispo nito. Pormal siyang nanungkulan sa bagong diyosesis noong Enero 28, 2003. Bilang Obispo, isinusulong niya na maging misyon ng kanyang diyosesis ang patuloy na pagpapanibago para sa biyaya ng Diyos (aggiornamento), pagsusulong at pagtatatag ng mga Basic Ecclesial Communities (communio), at ebanghelisasyon (Missio). Sa ngayon, aktibo siya sa pamamahala ng kanyang Diyosesis, na binubuo ng 58 parokya at mahigit sa 1.5 milyong katao na mga mananampalatayang Katoliko.

MGA SANGGUNIAN:

“Bishop Jesse Eugenio Mercado.” n.d. Catholic-Hierarchy.Org. Accessed June 4, 2024. https://www.catholic-hierarchy.org/bishop/bmerca.html.

“Bishop Jesse Eugenio Mercado.” n.d. UCANews. Accessed June 4, 2024. https://www.ucanews.com/directory/bishops/bishop-mercado/291.

“Rinunce e Nomine, 07.12.2002.” 2002. Sala Stampa Della Santa Sede. December 7, 2002. https://press.vatican.va/content/salastampa/it/bollettino/pubblico/2002/12/07/0607/01933.html %20DELLA%20DIOCESI%20DI%20PARA%C3%91AQUE%20(FILIPPINE)%20E%20NOMINA%20DEL%20PRIMO%20VESCOVO.

“Vision and Mission.” n.d. Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandoned Parish. Accessed June 4, 2024. https://olaparishofficial.wixsite.com/olapofficial/vision-and-mission.

(CHCSA/MAT)

The wait is over! SM Little Stars 2024 are finally back! Kids, ages 4-7 years old, who want to showcase their talent and...
06/06/2024

The wait is over! SM Little Stars 2024 are finally back! Kids, ages 4-7 years old, who want to showcase their talent and personality are open to compete.

Come and show us what you've got on the Preliminary Screening this June 9 and June 23, 2024 at the Mall Atrium, Ground Level - Building B.

Let the journey to stardom begin and get a chance to win over ₱15 MILLION worth of prizes!

See you, shining Little Stars!


Development of the Four Legacies for Children Local State Children Report Workshop, ginanap mula June 3-7, 2024.Nag orga...
05/06/2024

Development of the Four Legacies for Children Local State Children Report Workshop, ginanap mula June 3-7, 2024.

Nag organisa ang Localization and Institutionalization Division, Council for the Welfare of Children nang isang workshop upang mapalakas at ma-angat ang karapatan ng mga kabataan sa pamamagitan ng workshop sa Local Government Units sa National Capital Region. Ito'y kasalukuyang ginaganap sa Makati City. Isa naman sa kinatawanan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque si City Tourism Chief Mr. Melquiades I. Alipo-on kasama ang mga opisina mula sa Local Social Welfare and Development Office Local Planning and Development Office, Local Government Operations Office (DILG), Local Health Office, Local Information and Advocacy Office, Office of the Mayor at Department of Education Council Representative (Child Protection Office)

Kaisa ang Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division sa karapatan ng mga bata.

𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡: Bumisita ang Globe Telecom sa pangunguna ni Mr. Gilbert Càmero sa Parañaque Cultural Historical and Tourism Prom...
03/06/2024

𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡: Bumisita ang Globe Telecom sa pangunguna ni Mr. Gilbert Càmero sa Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division ngayong June 3, 2024. Mainit naman silang pinaunlakan ni Parañaque City Tourism Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on. Naging paksa sa pagpupulong ang pagpapatuloy na partnership ng Globe at City Government of Parañaque.

TIGNAN: Sa kauna-unahang pagkakataon, bukisita ang opisyal na larawang naglalakbay sa Mahal na Birheng Soledad ng Porta ...
02/06/2024

TIGNAN: Sa kauna-unahang pagkakataon, bukisita ang opisyal na larawang naglalakbay sa Mahal na Birheng Soledad ng Porta Vaga para sa taunang . Ito'y unang ginananap sa The Parañaque Cathedral ngayong Linggo ng umaga, June 2, 2024. Nagsimula ang programa sa San Dionisio Chapel kung saan siya'y malugod na tinanggap ng mga deboto at mananampalataya. Naghandog ng Sayaw ng Pagbati ang mga kabataan sa harapang bahagi ng katedral bago maipasok ang imahen sa altar. Hudyat ng pagsisimula ng Dalaw Soledad na mananatili hanggang June 9, 2024. Ang Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga ang ina, reyna at patrona ng lungsod at lalawigan ng Cavite.

¡Viva la Virgen!
¡Viva la Reina de Cavite!
¡Viva la Luz de Filipinas!

📷 | Reina De Cavite: La Virgen de la Soledad de Porta Vaga (Página Oficial)

Parañaque City College, Parañaque City — Naganap ang Collab Night ng Parañaque City College noong Biyernes ng hapon, May...
02/06/2024

Parañaque City College, Parañaque City — Naganap ang Collab Night ng Parañaque City College noong Biyernes ng hapon, May 31, 2024 na may temang 'Academe-Industry Meeting of Minds' ang programa ay ginanap sa kanilang Gymnasium. Dumalo naman si Parañaque City Tourism Chief Mr. Melquiades I. Alipo-on bilang kinatawan ni Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Kasabay ito ng ika-sampung anibersaryo ng pagkakatatag ng PCC.

What's your ulam Pare? 🍲🥩Tunay na nakakatakam ang mga pagkain lalo na't natatanging sa bayan mo lang 'to matitikman.Isa ...
02/06/2024

What's your ulam Pare? 🍲🥩

Tunay na nakakatakam ang mga pagkain lalo na't natatanging sa bayan mo lang 'to matitikman.

Isa sa tanyag na pagkain sa lungsod ng Parañaque ay ang Lauyang Palanyag.

Kailan ka huling nakatikim ng Lauya? 🍲

📷 | Ang Sarap net, She Media Collective

SILIPIN: Isinailalim sa conservation at preservation ang Icon ng Our Mother of Perpetual Help ngayong Sabado, June 1, 20...
01/06/2024

SILIPIN: Isinailalim sa conservation at preservation ang Icon ng Our Mother of Perpetual Help ngayong Sabado, June 1, 2024. Ito'y pinangisawaan ng Materials Research Conservation Division mula sa National Historical Commission of the Philippines. Ngayong June 27, ipagdiriwang ang kapistahan ng Ina ng laging Saklolo na matatagpuan sa Baclaran, lungsod ñg Parañaque.

Aming ina ng laging saklolo — Ipanalangin mo kami 📿

📷 | Baclaran Church.

Aminin mo, nakaka-sentimental ang Sunset sa Manila Bay? 🌇Maraming gusto ibulong sa atin ang kalikasan. Minsa'y nagpapa-a...
01/06/2024

Aminin mo, nakaka-sentimental ang Sunset sa Manila Bay? 🌇

Maraming gusto ibulong sa atin ang kalikasan. Minsa'y nagpapa-abot sa atin na ang mundo ay maliit lamang upang isipin ang malalaking hamon ng buhay. Sa larawang ibinahagi ni Francis Tan mula sa social media na 'Flick' taong 2013. Hindi kumukupas ang magandang kalangitan at senaryo sa Manila Bay kung saan nakalaylay ang iba't ibang bayan tulad ng Parañaque. Dito din matatagpuan ang Las Piñas Parañaque Wetland Park.

Nakapag-senti ka na ba habang nanonood ng Sunset sa Manila Bay?

𝗢𝗻 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗗𝗮𝘆, 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝗾𝘂𝗲 — 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟭, 𝟭𝟵𝟵𝟰 | 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝗾𝘂𝗲 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗶𝗵...
01/06/2024

𝗢𝗻 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗗𝗮𝘆, 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝗾𝘂𝗲 — 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟭, 𝟭𝟵𝟵𝟰 | 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝗾𝘂𝗲 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗶𝗵𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗱𝗶𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗮𝘆.

Kung babalikan ang kasaysayan, taong 1903 ang pinakaunang naitalang may Amerikanong g**o na bumaba sa bayan ng Parañaque. Matapos ng taon na 'yon ay nagpatuloy na ang sistematikong paaralan sa pamamahala ng pamahalaang insular ng Amerika.

Pormal na naitayo ang kauna-unahang pampublikong paaralan noong 1916. Ito'y ang Parañaque Elementary School. Dito nagsimula ang kasaysayan ng pagyabong ng kaalamang intelektuwal ng mga parañaqueño. Taong 1975. Inihiwalay ang Parañaque sa Dibisyon ng Rizal Province at nagtayo ng apat na cluster. Ito'y ang Manila, Quezon City, Caloocan at Pasay. Taong 1994 naman maaprubahan ng kalihim ng Dpeartment of Budget and Management sa pangunguna ni salvador Enriquez ang pagbubuo ng Sampung panibagong dibisyon at isa na rito ang Parañaque. Si Dr. Zenaida De Leon naman ang kauna-unahang Superintendent sa bagong tatag na dibisyon.

𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻:
Palanyag to Parañaque - A History Dulce festin-baybay. 2001 Pamahalaang lungsod ng Parañaque.

"Division of Parañaque City, Department of Education - History" DepEd Parañaque City Portal.

Alam mo ba? Bawal ang bandalismo sa lahat ng pasilidad, pribado o pampublikong ari-arian sa lungsod ng Parañaque.Nagpaha...
31/05/2024

Alam mo ba? Bawal ang bandalismo sa lahat ng pasilidad, pribado o pampublikong ari-arian sa lungsod ng Parañaque.

Nagpahatid ang Pamahalaang lungsod ng Parañaque at Sangguniang Panglungsod sa kooperasyon ng Public Information Office at Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division ng Public Advisory kung saan isinasaad ang pag amyenda ng section 2 and 3 nang City Ordinance № 08-12 na nagtatadhana sa "Ordinance Penalizing Vandalism on Public and Private Properties" kung saan pinagbabawal ang anumang uri ng bandalismo at pagsira sa pribado at pampublikong pasilidad sa lungsod ng Parañaque.

Ito'y ibinahagi sa Labing-anim (16) na Barangay sa lungsod ng Parañaque. Kaisa naman ang Parañaque City Tourism Office sa pamumuno ni PIO/Tourism Chief Mr. Melquiades I. Alipo-on sa ordinansang 'to kung saan ay malaking bagay ang ganitong batas upang mas mapalakas pa ang turismo ng Parañaque.

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang G...
31/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Graduation Ceremony ng Don Galo National High School ngayong Biyernes ng umaga, May 31, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa Barangay Don Galo, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

𝗢𝗻 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗗𝗮𝘆, 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝗾𝘂𝗲 | 𝗠𝗮𝘆 𝟯𝟭, 𝟭𝟵𝟯𝟱Hitik sa mayamang kasaysayan at kagamitan ang Simbahan ni San Andres ng Parañaque n...
31/05/2024

𝗢𝗻 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗗𝗮𝘆, 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝗾𝘂𝗲 | 𝗠𝗮𝘆 𝟯𝟭, 𝟭𝟵𝟯𝟱

Hitik sa mayamang kasaysayan at kagamitan ang Simbahan ni San Andres ng Parañaque na mas kilala na ngayon bilang Katedral ng Parañaque. Hindi ito maipagkakaila bilang isa ang simbahan sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas at naging kanlungan ng pananampalataya sa katimugang Maynila.

Sa librong Palanyag to Parañaque: A History na nailimbag noong 2001. Nasaliksik ni Ginang Dulce Festin-Baybay sa Sinupan ng Arkidiyosesis ng Maynila ang liham ng dating Cura Parroco ng Simbahan ng San Andres na si Padre Antonio Van Overveld. Ito'y liham na naisulat noong May 31, 1935. Nakasaad na maraming pagkakataon na napalooban ng magnanakaw ang simbahan at ang pinakahuli ay naganap noong Disymebre 1934. Ilan sa mga naitalang nanakaw ay ang Dalawang pirasong pilak o Silver na parte ng Altar at ang ilang bahagi ng crucifix. Isa sa pinakananghihinayang na kayamanan ng Simbahan ni San Andres.

𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻: Palanyag to Parañaque: A History. Dulce Festin Baybay, 2001. City Government of Parañaque. p.126

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang G...
30/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Graduation Ceremony ng Parañaque Elementary School - Central ngayong Huwebes ng hapon, May 30, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa Barangay San Dionisio, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang G...
30/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Graduation Ceremony ng Parañaque Mational High School -San Isidro ngayong Huwebes ng umaga, May 30, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa WalterMart Mall, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang G...
30/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Graduation Ceremony ng Baclaran Elementary School - Unit II ngayong Huwebes ng umaga, May 30, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa Paaralang Elementarya ng Baclaran - Unit II, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang G...
30/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Graduation Ceremony ng Don galo Elementary School ngayong Huwebes ng umaga, May 30, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa Paaralang Elementarya ng Don Galo, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang M...
29/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Moving-up Ceremony ng San Antonio National High School ngayong Miyerkules ng tanghali, May 29, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa Parañaque City Sports Complex, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

SILIPIN: Muling nagningning sa kulay ng Pambansang Watawat ng Pilipinas ang state of the art na ceiling ng Parqal ngayon...
29/05/2024

SILIPIN: Muling nagningning sa kulay ng Pambansang Watawat ng Pilipinas ang state of the art na ceiling ng Parqal ngayong National Flag Days na nagsimula kahapon, May 28, 2024. Pinaalalahanan naman ang lahat ng mamayanan na magkabit ng Bandila sa labas ng tahanan, tindahan, sasakyan at iba pa bilang simbolo ng selebrasyon para sa landas ng kasarinlan ng Pilipinas na ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo tuwing taon. Ang Parqal ay matatagpuan sa Aseana City, Macapagal Avenue, lungsod ng Parañaque.


  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang M...
29/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Moving-up Ceremony ng Marcelo Green National High School ngayong Miyerkules ng tanghali, May 29, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa Marcelo Green Covered Court, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang M...
29/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang Moving-up Ceremony ng Masville National High School ngayong Miyerkules ng umaga, May 29, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa WalterMart Mall, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang 9...
29/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang 9th Completion Ceremony ng MOONWALK NATIONAL HIGH SCHOOL Official ngayong Miyerkules ng umaga, May 29, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa Parañaque City Sports Complex, Barangay San Antonio, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

  🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang 9...
29/05/2024

🎓 | Kinatawanan ni Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division Head Mr. Melquiades I. Alipo-on ang 9th Completion Ceremony ng La Huerta National High School ngayong Miyerkules ng umaga, May 29, 2024. Siya'y representante para kay Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez. Naganap ang programa sa 88 Square Mall, Barangay San Dionisio, lungsod ng Parañaque.

Mula sa aming lahat sa pamahalaang lungsod ng Parañaque, Mainit naming binabati ang mga estudyante ng maligayang pagtatapos! 🎓

"Ang bituin at araw niyan, Kailan pa ma'y di magdidilim" 🇵🇭Muling itinaas ang Pambansang Watawat ng Pilipinas sa paligid...
28/05/2024

"Ang bituin at araw niyan, Kailan pa ma'y di magdidilim" 🇵🇭

Muling itinaas ang Pambansang Watawat ng Pilipinas sa paligid ng Pamahalaang lungsod ng Parañaque ngayong Martes ng hapon kasunod ng pagdiriwang sa "National Flag Days" na nagsimula ngayong May 28, 2024. Ang petsa kung saan unang itinaas ang Pambansang watawat sa Teatro Caviteño sa Cavite City matapos ang labanan sa Alapan, Imus, Cavite. Ito'y uusad hanggang sa araw ng kasarinlan sa June 12, 2024 kung saan ay magkakaroon ng Flag Raising Ceremony ang mga kawani ng Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division.

kaisa ang Parañaque City Tourism Office sa pagdiriwang ng Pambansang selebrasyon na 'to. Ang opisina ay kasapi ng Local Historical Committees Network, National Historical Commission of the Philippines.


Kaisa ang Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division sa selebrasyon ng National Flag Days na nagsisim...
28/05/2024

Kaisa ang Parañaque Cultural Historical and Tourism Promotions Division sa selebrasyon ng National Flag Days na nagsisimula ngayong Martes. May 28, 2024. Pinaalalahanan ang lahat ng mamayanan ng magsabit ng Pambansang watawat na sumisimbolo sa landas ng ating kasarinlàn. Ito'y magtatapos sa Araw ng Kalayaan sa June 12, 2024. Kasapi ang Parañaque City Tourism Office ng Local Historical Committees Network, National Historical Commission of the Philippines.



Address

San Antonio Avenue, SAV1, Barangay San Antonio
Parañaque
1700

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parañaque City Tourism Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Parañaque City Tourism Office:

Videos

Share


Other Tourist Information Centers in Parañaque

Show All