19/04/2023
Dear tourists, next time you want the best vacation, plan it ahead BUT NEVER SET IT in a very peak weekend.
1. Unang una, hindi lang ikaw ang may pera na kayang makapag travel. Maraming tao ang may kakayahan pang magbayad din. Kaya wag mo na iexpect na wala kang makakasama at makakapag papicture ka ng walang photobombers.
2. Pangalawa, probinsya ang pupuntahan mo para sa bakasyon na hangad mo. Baka nakakalimutan mo halos lahat ng tao sa Manila e probinsyano. Shempre uuwi sila. Sana compute mo na din ang volume ng turista sa volume ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya para maanticipate mo na yung traffic na kalalabasan.
3. Wag naman sigawan si ate coordinator at si kuya driver. Kung ikaw nga siya lang kinakausap mo sa tour aligaga ka na din - imagine mo sampu kayo kausap niya lahat kayo bubulyawan siya. Baka instead makaisip siya ng mas magandang paraan, baka mas lalo sila mawalan ng gana shempre magseself-pity na yan.
4. Wag naman murahin si travel agency/tour organizer. Nag-inquire ka, inassist ka, natuloy ka. Dahil sakanila yon ate/kuya. They inserted their efforts already bago ka pa man magtravel. Magkano man ang package ng booking mo, hindi naman siguro yan katumbas ng buong pagkatao nila. At LALONG LAHAT YAN HINDI SAKANILA NAPUNTA. Tao din sila, nasheshekten 😥
5. WAG MAG EXPECT. "Hindi po ganito ang nababasa naming reviews sa page ninyo." hindi naman po pareparehas ang panahon Maam/Sir. Minsan sa buhay merong swerte, merong malas. May tag ulan, may tag init. Ganon din sa tours. May peak, may hindi. Baka naman kasi - hindi sila holyweek nagtravel kaya mas maayos naging flow. Or baka naman kasi maganda ang panahon kaya mas naging masaya sila. Madaming factors. Try mo ulit next time, malay mo naman 😊
6. WAG NA WAG MAGPAPASILAW SA LAKI NG BAYAD NG IBA. Ikaw naman kung organizer ka, van operator ka, driver ka, tour guide ka, accomodation o saan hanay ka man bilang, bago ka magrequire at tumanggap ng DEPOSIT make sure hindi mo ibibigay ang slots sa iba. Madami kasi apektado friend! Isa pa, ang kamalian niyo ay magrereflect sa image ng frontliner ninyo. There's a chain reaction you know?!
7. IF YOU WANT A BETTER PARTNER - BE A GOOD ONE ALSO. Tandaan! Bilang na bilang lang ang super peak season sa loob ng isang taon. Wala namang iwanan sa ere friend, pag nakaramdam ng hassle - normal na yan... Laging tandaan communication is the key! Walang problemang hindi mareresolba.
And lastly...
8. Kung isa ka sa nahassle ngayong HOLYWEEK 2023. Mapa guest ka man, organizer, agency, driver, boatman, maging sino ka man... Ano man ang naging problema mo, take it as a lesson and learn from it! Hindi na dapat ito maulit. Kung hindi kaya i-accommodate wag ipilit. Control our temper at wag laging idadaan sa init ng ulo. Bagkus ay magtulungan at makicoorperate, mas habaan ang pasensya kahit guest ka pa! 😊
GOOD LUCK NEXT SUPER PEAK: Holloween, Christmas & New year. May God be with us 😊