Tuguegarao City Tourism

Tuguegarao City Tourism Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tuguegarao City Tourism, Tourist Information Center, RGC Carig Sur Tuguegarao City, Tuguegarao City.

28/07/2024

๐ŸŽ‰ 4 DAYS TO GO! ๐ŸŽ‰

Get ready for the grand opening of the 2024 Pavvurulun Afi Festival! Starting August 1-16, don't miss the must-see event of the year. WATCH OUT for the Opening of the TRADE FAIR and FOOD FAIR at Tabacalera, Mabini Street, beside SM Center Tuguegarao Downtown on August 1, 2024. Come and experience the best of Tuguegarao's local products and delicious food!






28/07/2024
๐ŸŒŸ๐ŸŽค Audition Alert! ๐ŸŽค๐ŸŒŸDo you have what it takes to be the next singing sensation? ๐ŸŽตโœจAudition now and seize the chance to ...
02/05/2024

๐ŸŒŸ๐ŸŽค Audition Alert! ๐ŸŽค๐ŸŒŸ

Do you have what it takes to be the next singing sensation? ๐ŸŽตโœจ

Audition now and seize the chance to represent Tuguegarao City in Cagayan Singing IDOL Season 4! ๐ŸŒŸ

You must be:
1. Passionate singer ๐ŸŽถ
2. Proud resident of Tuguegarao City ๐Ÿ™๏ธ
3. Age 15-25 years old ๐ŸŽค

Join us on May 6, 2024, from 8:00 AM to 12:00 NN at the 6th Floor, City Hall Building, Carig Sur, Tuguegarao City.

For inquiries, contact us via messenger. Don't miss this opportunity to shine! โœจ

Abangan ang Regional Schools Press Conference 2024 sa Lungsod ng Tuguegarao mula Mayo 1 hanggang 2, 2024. Ang tema ng RS...
24/04/2024

Abangan ang Regional Schools Press Conference 2024 sa Lungsod ng Tuguegarao mula Mayo 1 hanggang 2, 2024. Ang tema ng RSPC ngayong taon ay โ€œCharting Truth: Journalist as Catalyst for Positive Change in the Media Landscape of 2024.โ€ Huwag palampasin ang pagkakataong makilahok at maging bahagi ng makabuluhang pagbabago sa larangan ng midya!

Magandang balita sa lahat ng mga Turista! Ang night market ay bumalik na! Sa wakas, magaganap ito tuwing weekend, simula...
12/04/2024

Magandang balita sa lahat ng mga Turista!

Ang night market ay bumalik na! Sa wakas, magaganap ito tuwing weekend, simula Friday night hanggang Sabado at Linggo, buong taon. Abangan ang higit sa 200 stalls na nag-aalok ng kung anu-anong paborito ninyong street food, wag-wagan, accessories, bago at dekalidad na mga gamit, sapatos, damit, at marami pang iba!

Simula ngayon at tuwing weekend, mula 6:00 PM hanggang 12:00 midnight.

Halina't makisaya! Kitakits doon! ๐ŸŒ™โœจ

Advisory
07/03/2024

Advisory

Interior view of Cathedral, Tuguegarao, Philippines, ca. 1920-1940Photographic postcard of the interior view of the Tugu...
04/03/2024

Interior view of Cathedral, Tuguegarao, Philippines, ca. 1920-1940

Photographic postcard of the interior view of the Tuguegarao Cathedral. The Cathedral has an arched ceiling that leads to the altar. Four windows are visible on the right side of the cathedral. A small staircase and lectern are on the right wall of the Cathedral. Two columns of pews extend through the middle. An archway and staircase divide the altar from the rest of the church.

Source: University of Southern California Digital Library / MFB/Postcards/Philippines/124 [File]

Mga mahahalagang paalala para sa ligtas na paglalakbay ngayong Semana Santa at Summer Vacation!
04/03/2024

Mga mahahalagang paalala para sa ligtas na paglalakbay ngayong Semana Santa at Summer Vacation!

TRAVEL ADVISORY: HOLY WEEK AND SUMMER SEASONSource: Department of Tourism - Region 2 Office
04/03/2024

TRAVEL ADVISORY: HOLY WEEK AND SUMMER SEASON

Source: Department of Tourism - Region 2 Office




Tuguegarao City Hall: Visit the heart of the city at Tuguegarao City Hall, a symbol of local governance and civic pride....
04/03/2024

Tuguegarao City Hall: Visit the heart of the city at Tuguegarao City Hall, a symbol of local governance and civic pride.

Maddulo kamu, March! ๐Ÿ”ฅ
01/03/2024

Maddulo kamu, March! ๐Ÿ”ฅ

27/02/2024
LGU Tuguegarao City, Nagsagawa ng Heritage Tour para sa mga Kabataan ngayong National Arts MonthTuguegarao City - Sa pag...
21/02/2024

LGU Tuguegarao City, Nagsagawa ng Heritage Tour para sa mga Kabataan ngayong National Arts Month

Tuguegarao City - Sa pagsalubong sa National Arts Month, nagsagawa ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao, sa pangunguna ng City Tourism Office, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at Local Council for Protection of Children ng isang linggong Heritage Tour para sa mga kabataan. Layon ng programa na ipakita ang kahalagahan ng sining at kultura ng Tuguegarao, kabilang ang mga makasaysayang lugar sa lungsod.

Ang nasabing aktibidad ay nagsimula nitong Lunes, ika-19 ng Pebrero, 2024, at magpapatuloy hanggang ika-23 ng Pebrero. Ang pangunahing layunin ng Heritage Tour ay ang pagbuo ng artistic talent at kasanayan ng mga kabataang Tuguegarao sa sining, pati na rin ang pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng kanilang lungsod.

Sa ilalim ng "Children Welfare Program" ng lungsod, ang mga batang kalahok ay ipinasyal sa Zininaga Tourism Circuit ng Tuguegarao. Kasama sa itinerary ang pagbisita sa mga makasaysayang pook tulad ng San Jacinto Ermita, Tuguegarao Metropolitan Cathedral, dating Presidencia de Tuguegarao (ngayo'y Tuguegarao East Central School), Cagayan Provincial Museum, Rizal Park, at Horno.

Ang Heritage Tour ay nagbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maipamulat sa yaman ng kanilang kultura at sining. Isinagawa ito sa tulong ng mga tour guides na sina Florante Baylon at Joanne Melad mula sa Tuguegarao City Heritage Guides Association.

Sa pangunguna ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng sining at kultura sa lungsod, pati na rin sa Children Welfare Program. Ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ay naka-align sa hangaring magbigay ng serbisyong "Nakikita, Nadarama, at Maaasahan" para sa kabutihan ng komunidad.

Sa pagtataguyod ng sining at pagpapalaganap ng kultura, patuloy na naglilingkod ang LGU Tuguegarao City para sa mas maganda at makulay na hinaharap ng mga batang Tuguegarao.

"Serbisyong Nakikita, Nadarama at Maaasahan."

Tagumpay ang Pagbubukas  ng DAFUNG - Tuguegarao Art Fair nitong National Arts MonthTuguegarao City - Sa pangunguna ni Ci...
21/02/2024

Tagumpay ang Pagbubukas ng DAFUNG - Tuguegarao Art Fair nitong National Arts Month

Tuguegarao City - Sa pangunguna ni City Tourism Officer Gina Adducul, matagumpay na binuksan ang โ€œDAFUNG: Imagination Marketโ€ o Tuguegarao Art Fair, nitong ika-19 ng Pebrero sa Main Atrium ng Robinsons Tuguegarao, bilang tampok na aktibidad sa selebrasyon ng National Arts Month sa lunsod.

Ang pagbubukas ng Art Gallery Sale ay pinangunahan ni City Administrator Juanito Calubaquib, bilang kinatawan ni City Mayor Maila Ting-Que. Kasama rin sa okasyon si SK Federation President Cerene Pearl Quilang at Mall Manager Krystann Jett Acidera.

Nagsilbing platform ang Art Gallery Sale para sa mga lokal na visual artist ng Tuguegarao, sa pamamagitan ng kooperasyon ng Cagayano Artists Group Inc. (CAGI), League of Indispensable Neo Artist (L.I.N.Y.A.), at Robinson Tuguegarao "ARTablado." Layunin ng aktibidad na ipakita ang husay ng mga lokal na alagad ng sining at magtagumpay sa larangan ng visual arts.

Ang nasabing art exhibit ay magtatagal ng limang araw, mula ika-19 hanggang ika-24 ng Pebrero. Dito, ipinapamalas ang iba't ibang obra ng mga Tuguegarao Visual Arts talents na nagsilbing inspirasyon sa mga bisita at nagbibigay kulay sa pagdiriwang ng National Arts Month.

Kabilang sa mga dumalo sa pagsilay sa ganda ng sining ng mga Tuguegaraoeรฑo ay ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlungsod. Kasama rin si Supervising Tourism Operations Officer Sally Vitug ng Cagayan Provincial Tourism Office, patunay na ang DAFUNG - Art Gallery Sale ay hindi lamang tagumpay para sa mga lokal na artist kundi para sa buong komunidad ng Tuguegarao.

Sa kabuuan, sa pamamagitan ng Tuguegarao Art Fair, ipinakita ng mga Tuguegaraoeรฑo ang pagmamahal at suporta sa sining at kultura, pagsasapuso ng diwa ng National Arts Month.

When was the last time you had the pleasure of savoring this delectable flavors of Sinanta? ๐Ÿคค๐Ÿœ Lokal - Kanan + Pasalubon...
19/02/2024

When was the last time you had the pleasure of savoring this delectable flavors of Sinanta? ๐Ÿคค

๐Ÿœ Lokal - Kanan + Pasalubong

19/02/2024

๐ŸŽจโœจ Embrace the Colors of Creativity at DAFUNG - IMAGINATION MARKET "Tuguegarao Art Fair 2024!" โœจ๐ŸŽจ

Join us in celebrating the National Arts Month this February as the Tuguegarao City Government collaborates with Cagayan Artist Group Incorporated (CAGI) and Robinsons Tuguegarao "ARTablado" to bring you "DAFUNG - IMAGINATION MARKET" Tuguegarao Art Fair 2024" โ€“ a feast for the senses and a showcase of the local artistry!

๐Ÿ—“๏ธ When: February 19-23, 2024
๐Ÿ“ Where: Upper Ground Level, Activity Area, Robinsons Tuguegarao

Experience the magic of imagination as Tuguegarao's talented artists come together to present a spectacular array of artworks that reflect the soul of our city. ๐ŸŒŸ

๐ŸŽจ What to Expect:

๐Ÿ–ผ๏ธ Sale of Artworks by Local Artists
โœ‚๏ธ Ribbon Cutting Ceremony for the Art Gallery Sale
Let's support our local artists and immerse ourselves in the diverse expressions of creativity. The DAFUNG - IMAGINATION MARKET is not just an art fair; it's a celebration of our cultural richness and the vibrant spirit of Tuguegarao!

Mark your calendars, invite your friends, and be part of this artistic extravaganza! ๐ŸŽ‰๐ŸŒˆ ๐ŸŽจ๐ŸŒŸ

18/02/2024

Craving for Pansit Batil Patong ๐Ÿคค Where to eat pansit this weekend?

Tourist information centre

14/02/2024

| Pusong Cagayano 2024 ๐Ÿ’–

Happy Valentine's Day, Cagayanos!

We are inviting everyone to come and celebrate the season of love with your friends and family. The Pusong Cagayano, a Valentine's Day Celebration of the Provincial Government of Cagayan promises to be a fun-filled night with lots of activities to enjoy. So, bring your loved ones and indulge in the festive atmosphere.

The celebration will be held today, February 14, 2024, at 5 o'clock in the afternoon at the Capitol Grounds, Tuguegarao City, Cagayan.

See you!

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao, sa pangunguna ng Tuguegarao City Tourism Office, sa pagbubukas ng 20...
14/02/2024

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao, sa pangunguna ng Tuguegarao City Tourism Office, sa pagbubukas ng 2024 Tuguegarao City Athletic Meet ngayong araw, Pebrero 14, 2PM sa Cagayan Sports Complex! ๐ŸŽ‰๐Ÿ†

Ang pagtataguyod ng mga laro at pampalakasan ay hindi lamang nagbibigay saya at inspirasyon sa ating komunidad, kundi nagbibigay din daan sa paglinang ng sports-tourism na magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa ating lungsod.

Sa pagkakaroon ng ganitong mga kaganapan, mas nagiging malapit sa isa't isa ang ating mga mamamayan at nagiging inspirasyon sa mga kabataan na pagyamanan ang kahalagahan ng disiplina, teamwork, at pagmamahal sa sports.

Tara na at makiisa sa pagdiriwang ng ating athletic meet! Magbigay pugay sa husay at dedikasyon ng ating mga atleta! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ”ฅ ๐Ÿ…๐Ÿ€

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao, kasama ang Tuguegarao City Tourism Office, sa mga Kristiyano sa pagg...
14/02/2024

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao, kasama ang Tuguegarao City Tourism Office, sa mga Kristiyano sa paggunita sa Ash Wednesday ngayong araw, ika-14 ng Pebrero 2024. ๐Ÿ™

Ang Ash Wednesday ay simbolo ng simula ng Panahon ng Kuwaresma para sa mga Katoliko, kung saan tayo ay inaanyayahan na magbalik-loob at magbalik-tanaw sa ating pananampalataya. Ito ang panahon ng 40-araw na espirituwal na paghahanda para sa Pasyon, Kamatayan, at Muling Pagkabuhay ni Kristo.

Sa gitna ng ating mga kultural na tradisyon bilang mga Kristiyanong Tuguegaraoeรฑos, ito ay isang pagkakataon upang muling magbalik-tanaw sa ating mga pananampalataya at pagpapahalaga sa biyayang ibinigay sa atin.

Nawa'y maging gabay at inspirasyon sa ating lahat ang kahulugan ng Ash Wednesday sa pagtahak natin sa landas ng pananampalataya at pagpapakabuti bilang mga indibidwal at komunidad.

Magandang araw sa inyong lahat at patuloy tayong magdasal at magbigay-pugay sa araw na ito. ๐Ÿ™โค๏ธ

๐ŸŒน Happy Valentine's Day, Tuguegarao City! ๐ŸŒนOn this day of love, let's celebrate the beautiful tapestry of affection that...
14/02/2024

๐ŸŒน Happy Valentine's Day, Tuguegarao City! ๐ŸŒน

On this day of love, let's celebrate the beautiful tapestry of affection that binds us together. Remember, it's not just about romantic love; it's about appreciating every meaningful connection in our lives. ๐Ÿ’–

As 1 John 4:19 reminds us, "We love because He first loved us." Let God's boundless love be the foundation of all our relationships, inspiring kindness, understanding, and compassion. ๐Ÿ™

Take a moment to send warm wishes to all your loved ones, not just your significant other. Happy Hearts' Day to family, friends, and everyone who holds a special place in your heart! ๐Ÿ’•

Spread love, Tuguegarao, and let the spirit of Valentine's Day shine bright in our beautiful city! โœจ

Happy Fiesta Barangay Caritan Centro, Tuguegarao City!Annual Patronal Fiesta in honor of STA. CATALINA DE RICCI, their B...
13/02/2024

Happy Fiesta Barangay Caritan Centro, Tuguegarao City!

Annual Patronal Fiesta in honor of STA. CATALINA DE RICCI, their Barangay Patron Saint.

February 13 - Feast Day

Chinese New Year - Trade at Food Fair, Tagumpay na Ipinagdiwang sa Tuguegarao CityTUGUEGARAO CITY โ€“ Sa isang masayang se...
12/02/2024

Chinese New Year - Trade at Food Fair, Tagumpay na Ipinagdiwang sa Tuguegarao City

TUGUEGARAO CITY โ€“ Sa isang masayang selebrasyon, pinangunahan ni City Mayor Maila Ting-Que at City Tourism Officer Gina T. Adducul ang pagbubukas ng kauna-unahang Chinese New Year trade at food fair sa harap ng Mall of The Valley, Bonifacio Street (Calle Commercio), nitong Huwebes, Pebrero 8, 2024.

Walo na negosyante ang lumahok sa nasabing trade at food fair, kung saan apat ang nagbenta ng mga Chinese lucky charms at food items. Kasama rin sa pagdiriwang ang apat na kilalang Chinese restaurants ng Lungsod na nag-alok ng kanilang authentic Chinese cuisine.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni Mayor Maila na layunin ng pagdiriwang na mapalakas ang turismo at kalakalan sa lungsod. Dagdag pa niya, ito'y isang pagkakataon para iparanas sa mga mamamayan ng Tuguegarao ang kultura at tradisyon ng Chinese New Year, at pagbibigay-pugay sa magandang ugnayan ng Filipino-Chinese Community sa lungsod.

Nagbigay kulay at saya sa programa ang mahusay na pagtatanghal ng Santiago Sports Athletic Association (SSAA) Dragon and Lion Group, kung saan ipinamalas nila ang kahanga-hangang tradisiyonal dragon at lion dance at pati na rin ang wushu exhibition para itaboy ang masasamang espiritu.

Dumalo rin sa kaganapan sina City Administrator Juanito Calubaquib, City Councilor Mark Angelo Dayag, City Councilor Ronald Ortiz, SK Federation President Cerene Pearl Quilang, at ABC President Restituto Ramirez. Kasama rin ang iba't-ibang pinuno ng bawat departamento at unit heads, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, at mga bisita mula sa iba't-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng mga Principal at G**o ng mga paaralan ng Tuguegarao, mga Opisyales at kawani ng BFP, BJMP at PNP.

Ang programa ay dinaluhan din ng ilang regional directors mula sa iba't-ibang ahensiya tulad ng DOT, DICT, CSC, at DFA, patunay ng malasakit ng iba't-ibang sektor sa pagsuporta sa mga lokal na kaganapan.

05/02/2024

Join us in Tuguegarao City's 2024 Chinese New Year Celebration! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‰

LGU Tuguegarao City through the City Tourism Office and in collaboration with Barangay Centro 07, invites everyone to partake in the festive Chinese New Year celebration on February 8-9, 2024.

๐ŸŽŠ Experience the Tradition: Dragon Dance & Trade Fair
Marvel at the captivating Dragon Dance and immerse yourself in the vibrant colors and rhythmic beats. Don't miss the Trade Fair at Calle Commercio (Bonifacio Street), where you can indulge in popular Filipino-Chinese delicacies and discover lucky charms for a prosperous year ahead.

๐Ÿฅข Savor Chinese Delights
Treat your taste buds to a variety of authentic Chinese dishes available at the Trade Fair. From delectable dumplings to flavorful noodles, there's something for every food enthusiast.

๐Ÿ›๏ธ Trade Fair Shopping
Explore the Trade Fair and shop for unique items and lucky charms to bring good fortune into your life. Discover a diverse array of products and immerse yourself in the rich Filipino - Chinese culture.

๐Ÿ“ Location: Calle Commercio (Bonifacio Street), Tuguegarao City
Date: February 8-9, 2024
Time: 8:00 AM to 10:00 PM

Let's welcome the Year of the Wood Dragon with joy, prosperity, and unity! See you there! ๐Ÿ‰๐ŸŽ‡



LIKE and FOLLOW Tuguegarao City Tourism

Tourist information centre

Uni-Guni Culture and Arts Workshop, Isinagawa sa Tuguegarao CityNitong nakaraang buwan, isinagawa ng Pamahalaang Panlung...
02/02/2024

Uni-Guni Culture and Arts Workshop, Isinagawa sa Tuguegarao City

Nitong nakaraang buwan, isinagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang Uni-Guni Culture and Arts Orientation and Workshop sa pangunguna ni Professor Pedro "Edru" Abraham ng UP KONTRA-GAPI. Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa Gabaldon Building ng Cagayan National High School.

Dumalo sa nasabing gawain ang mga Secondary School Principals, g**o sa MAPEH, at mga mag-aaral na nagtatanghal mula sa iba't ibang pampublikong Sekundaryang Paaralan sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ang nasabing workshop ay naglalayong palawakin ang kaalaman at kahusayan ng mga g**o at mag-aaral sa larangan ng kultura at sining. Layunin din nito na hikayatin ang aktibong pakikiisa ng mga kabataan sa mga tradisyunal na sining at kultura ng Tuguegarao.

Sa pagsusulong ng mga ganitong gawain, nagiging instrumento ang Lungsod ng Tuguegarao sa pagpapahalaga at pangangalaga sa lokal na kultura at sining, anuman ang uri at anyo nito.

Watch out for Visual Art CARAVAN for Professional Artists and Art Painting Competition for Elementary Students in Celebr...
02/02/2024

Watch out for Visual Art CARAVAN for Professional Artists and Art Painting Competition for Elementary Students in Celebration of National Arts Month this February 2024 with the theme "Ani ng Sining, Bayang Malikhain".

Dalawang Araw na Clean-Up Drive, Isinagawa sa Pangunahing Tourists Destinations ng LungsodTUGUEGARAO CITY  โ€“ Nagsagawa n...
26/01/2024

Dalawang Araw na Clean-Up Drive, Isinagawa sa Pangunahing Tourists Destinations ng Lungsod

TUGUEGARAO CITY โ€“ Nagsagawa ng dalawang araw na malawakang clean-up drive ang Local Government Unit (LGU) ng Tuguegarao City sa pangunguna ng City Tourism Officer na si Gina Adducul, kasama ang iba't ibang sektor ng komunidad sa pangunahing tourists destinations ng Lungsod Tuguegarao nitong ika-25, at ika-26 ng Enero 2024.

Kasama sa aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP) Tuguegarao City, street sweepers mula sa City Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), barangay officials, at mga kawani nila mula sa Barangay Centro 10, Centro 9, Centro 8, at Centro 6. Habang nagbigay naman ng assistance to traffic rerouting ang PSSO-TMG.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pangmatagalang adhikain ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que na mapaunlad ang sektor ng turismo sa lungsod. Layunin ng clean-up drive na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga pampublikong lugar, lalo na sa mga destinasyon na madalas puntahan ng mga turista.

Dala ng pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng pamahalaan at komunidad, nagtagumpay ang LGU Tuguegarao City sa pagsasagawa ng malinis at maayos na kapaligiran sa mga paboritong pasyalan ng mga mamamayan at bisitang turista.

Serbisyong Nakikita, Nadarama at Maaasahan!




LIKE and FOLLOW
Tuguegarao City Tourism

TINGNAN: PAGSALUBONG KAY EU AMBASSADOR LUC VรˆRON SA TUGUEGARAO CITY AIRPORTMainit na sinalubong ng Lokal na Pamahalaan n...
26/01/2024

TINGNAN: PAGSALUBONG KAY EU AMBASSADOR LUC VรˆRON SA TUGUEGARAO CITY AIRPORT

Mainit na sinalubong ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City ang espesyal na bisita mula sa European Union. Dumating sa Tuguegarao City Airport si EU Ambassador Luc Vรจron kasama ang kanyang buong delegasyon, nitong Lunes, ika-22 ng Enero 2024.

Mainit na Sinalubong ng LGU Tuguegarao City si EU Ambassador LUC VรˆRON sa LungsodTUGUEGARAO CITY - Enero 23, 2024 โ€” Sa i...
25/01/2024

Mainit na Sinalubong ng LGU Tuguegarao City si EU Ambassador LUC VรˆRON sa Lungsod

TUGUEGARAO CITY - Enero 23, 2024 โ€” Sa isang makulay at masiglang seremonya, mainit na sinalubong ng Pamahalaang Lokal ng Tuguegarao City si EU Ambassador LUC VรˆRON sa City Hall, kung saan pinangunahan ni City Mayor Maila Ting-Que ang pagtanggap sa mataas na opisyal mula sa European Union (EU) nitong ika 22 ng Enero 2024.

Kasama ng Alkalde sa pagtanggap sa foreign dignitary ang mga miyembro ng Ninth City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Bienvenido De Guzman II, kasama rin ang mga opisyal ng PNP, BFP, BJMP, mga department at unit heads, at ang mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod.

Sa pagdating ni Ambassador Vรจron, ipinakita ng mga ICCA Scholars ang kanilang husay sa sayaw gamit ang Ibanag song remix na "O Lappaw." Hindi rin nagpahuli ang music group na Kontra-GaPi, o Kontemporaryong Gamelan Pilipino, sa pagbibigay ng ethnic music at dance ensemble sa karangalan ng bisita sa pangunguna ni Professor Pedro "Edru" Abraham.

Bago ang diplomatikong seremonya sa City Hall, naghandog ng makulay na pagtatanghal ang mga mag-aaral ng Cagayan National High School sa embahador sa Tuguegarao City Airport. Dito din sinalubong nina City Administrator Juanito Calubaquib, Executive Assistant IV Dr. Roderick Ramirez, at ang mga opisyal ng PNP, BFP, BJMP, at PSSO ang opisyal at kaniyang delegasyon.

Sa naging pulong nina Mayor Maila at Ambassador Vรจron, natalakay ang mga pangunahing prayoridad sa pamumuhunan, partikular sa larangan ng turismo. Binanggit ni Mayor Maila ang tatlong pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon, kabilang ang food tourism, educational tourism, at medical tourism.

Kasama ni Ambassador Veron sa kanyang pagbisita ang kanyang maybahay na si Madame Nicole Weissman, Ms. Cynthia Hendaoui, Attachรฉ, at Ms. Michiko Quinto, Secretary on Political Press & Information Section of the Delegation of European Union of the Philippines.

Ang pagbisita ni Ambassador Vรฉron ay nakatutok sa pagdiriwang ng ika-60 taon ng diplomatic relations ng EU at Pilipinas nitong taong 2024.

Address

RGC Carig Sur Tuguegarao City
Tuguegarao City
3500

Telephone

+639759305290

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tuguegarao City Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tuguegarao City Tourism:

Videos

Share

Nearby travel agencies


Other Tourist Information Centers in Tuguegarao City

Show All