19/05/2018
Ang UPS ay isang online business kung saan magkakaroon ka ng permiso na gumawa ng mga transactions na ginagawa lang ng mga malalaking kumpanya. Dito maaari ka nang maging REMITTANCE CENTER, BILLS PAYMENT CENTER, AIRLINE TICKETING OFFICE, CELLPHONE LOAD CENTER, TRAVEL AND TOURS at iba pa. Kung magtatayo ka ng mga ganitong negosyo, malaking halaga ang ipupuhunan mo! Bukod sa kailangan mo ng puwesto, kailangan mo magtie up sa mga companies gaya ng Meralco, Smart, Globe, BDO, Cebhuana Lhuiller etc etc. Milyones ang uubusin mo para makapagsimula, kailangan may maganda kang puwesto at hindi mo rin alam kung papatok ba.
Pero sa UPS, magagawa mo ang lahat ng mga serbisyong yan kapag nabigyan ka na ng access sa system o sa web tool nila. Hindi mo kailangan ng puwesto para makapagsimula.
Ang kailangan mo lang
1. computer 2. internet access 3. at syempre maraming SIPAG at TIYAGA na mapag aralan ang system.
Syempre kailangan mo ng mga kostumer. Sa panahon ngayon, siguro masasabi mong basic need na ang mga serbisyong nabanggit sa taas. Ikaw na mismo ang lalapitan ng tao para magpaload ng cellphone at sino naman kaya ang walang binabayarang bills gaya ng kuryente, tubig, telepono. At kung nasa abroad ka gaya ko, lahat ng OFW ay very basic na nagpapadala ng pera sa Pilipinas. I’m sure lahat ng katrabaho mo ay may pamilyang pinapadlahan ng pera sa Pilipinas. And don’t forget yourself – di ba kailangan mo rin ng mga serbisyong yan gaya ng remitting, bills payment at loading? So hindi mo na kailangan lumabas ng bahay para magawa ang mga yan. Kahit nakahiga ka sa kuwarto, makabayad ka sa Meralco😀, PLDT, SSS at marami pang iba..
At ang maganda pa sa negosyong ito, magagawa mo ang mga transaksyon habang nasa bahay ka lang, part-time lang ito at hindi naman kailangang nagresign sa current job mo. Passive income di ba?!
Isa pang option para kumita sa UPS ay ang NETWORKING. Kung negative ka sa ganitong marketing plan gaya ko noon, ay huwag mo nang ituloy ang pagbabasa dahil ayoko rin masayang ang panahon mo. Pero kung iopen mo muna yung isipan mo sa konseptong ito bago mo pangunahan ng iyong karunungan ang ieexplain ko, then you can proceed…
Kapag kasi nagkaroon ka ng mga kaibigan o kakilala na naintroduce mo sa UPS business na ito, may commission ka na agad. Bukod diyan, kapag nagsimula ng gumamit ng negosyo ang iyong downlines, may kita ka pa rin sa lahat ng mga transactions na gagawin nila – mapa remittance, bills payment, loading, airplane ticketing, travel and tours booking – lahat ng transaksyon nila – may papasok na kita ka syo bilang upline nila. At kapag ang iyong mga downlines ay nagkaroon din ng mga downlines sa ilalim nila, may kita ka pa rin sa commission at may porsyento sa lahat ng business transactions nila.
Habang lumalalim ang downlines mo, lumalaki rin ang pumapasok na income mo. Kahit natutulog ka na, kumikita pa rin ang business mo dahil may mga taong gumagamit ng system. LEVERAGING ang tawag dyan. Pinaparami mo ang iyong sarili. Imagine kung nag iisa ka lang sa business mo, mayroon ka lang 24 hours sa isang araw (walang tulugan pa yan hehe). Pero kung marami ka nang kasama sa business mo, ang 24 hours mo ay namumultiply! Ang law of leveraging na yan ang ginagamit ng mga may ari ng mga malalaking negosyo gaya ng mga malls at restaurant chains. Ang may ari ng mga malalaking malls, nasa bahay lang pero patuloy lang ang pasok ng pera, pero ang nagtatrabaho para sa kanya ay ang mga empleyado nya.Pinadami nya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng leveraging.
Ang system access na ibibigay sa iyo ay panghabambuhay – meaning lifetime business mo na ito. Transferable din sa anak mo. Imagine, ang account mo ay tuloy tuloy lang na kumikita, dahil sa lalim ng downlines mo at halos hindi mo na sila kilala lahat pero tuloy tuloy lang ang pasok ng pera sa account mo! Pede mong ipamana sa anak mo ang iyong account!
At saang panig man ng mundo naroon ka, pwede kang maka access sa system! Ibig sabihin kahit wala ka sa pinas, at isa kang OFW gaya ko, maaari mong simulan ang negosyong ito! May mga opisina na ang UPS sa ibat’ ibang bansa at marami na rin dealers gaya ko sa Hongkong, Kuwait, Qatar at iba pang bansa kung saan marami rin Pilipinong nagtatrabaho. May 24-hour online support group na nakahandang sumagot sa inyong mga katanungan kung may mga tanong ka sa iyong mga transactions.
Interested pm me